^

Metro

Turista sinalisihan

-

MANILA, Philippines - Isa sa apat na hinihina­lang miyembro ng “Salisi gang” na pinaniniwalaang matagal nang bumibiktima ng mga dayuhan ang na­dakip matapos tangayin ang shoulder bag na naglalaman ng mahigit P50,000 halaga ng digital camera at iba pang accessories sa isang coffee shop sa Ermita, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Banatri Canas, 25, may-asawa, walang trabaho ng 1207 Bautista corner Es­trada St., Malate, Maynila.

Inireklamo ng 64 anyos na turistang si Eiki Yano ng Room 410 Casa Blanca, Adriatico St., Ermita na kabilang si Canas sa apat na nagpanggap na kustomer at itinurong kumuha ng kani­yang shoulder bag.

Bigo naman ang pulisya na mahuli ang tatlo pang suspek na kinabibilangan ng dalawang babae nang ma­bilis umanong tumakas tangay ang bag ng biktima na naglalaman umano ng digital camera at extra battery nito (P25,000); photo portable printer na may extra battery (P20,000); ink cartridge (P4,000) at 120 pirasong photo paper (P5,000). (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ADRIATICO ST.

BANATRI CANAS

BAUTISTA

BIGO

CANAS

CASA BLANCA

EIKI YANO

ERMITA

LUDY BERMUDO

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with