^

Metro

P5M ari-arian naabo sa sunog

-

MANILA, Philippines - Aabot sa P5 milyong halaga ng ari-arian ang na­ tupok nang masunog ang dalawang palapag ng isang tahanan sa isang ekslusi­bong subdibisyon sa lung­sod ng Quezon kahapon ng tanghali bunga ng umano’y napabayaang kuryente, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Ayon sa ulat kay Sr. Supt. Pablito Cordeta, hepe ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region, ang tinupok ng apoy ang taha­nan ng isang Atty. Paterno Aquino sa 15 Grace Stone st., White Plains sa lungsod.

Sinasabing nagsimula ang apoy sa ikalawang pala­pag ng kuwarto ng mga anak ng pamilya Aquino matapos na sumiklab ang ginagamit ng bentilador ng mga ito.

Nasunog naman ang isang tatlong-palapag na gusali na may grocery store, iba pang tindahan at taha­nan na ikinaabo ng tinata­yang P1milyong ha­laga ng ari-arian sa Sam­paloc, May­nila kahapon ng umaga.

Gayunman, walang na­saktan sa sunog na tu­mupok sa naturang gusali sa 855 M Dela Fuentes st., Sampaloc na pag-aari umano ng isang Pacita Palma. (Ricky Tulipat at Ludy Bermudo)

BUREAU OF FIRE PROTECTION

BUREAU OF FIRE PROTECTION-NATIONAL CAPITAL REGION

GRACE STONE

LUDY BERMUDO

M DELA FUENTES

PABLITO CORDETA

PACITA PALMA

PATERNO AQUINO

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with