^

Metro

Oil depot iaapela sa SC

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Ang Oil depot ang isa sa mga establisimiyento sa bansa na lubhang binaban­tayan ng napakaraming pulis dahil sa seguridad.

Ito ang pinuna kama­kailan ni Manila Councilor Joel Chua na kabilang sa tu­mututol sa ordinansang nag­papahintulot sa patuloy na operasyon ng oil depot sa lunsod.

Sinabi ni Chua na, bukod sa Malakanyang at United States Embassy, ang oil depot ang may pinaka­maraming pulis na nagba­bantay na indikasyon na hindi ito ligtas sa pag-atake ng anumang grupo.

Sinabi ni Chua na lalapit sila sa Korte Suprema upang kuwestiyunin ang ligalidad ng ordinansa kasa­bay ng kanilang pakikipag-usap sa kani-kanilang mga constituents upang lubos na maunawaan ang masa­mang epekto ng pananatili ng oil depot sa Maynila.

Una nang sinabi ni Chua na ang pagpirma ni Manila Mayor Alfredo Lim sa ordi­nansa ay indikasyon ng pag­sang-ayon ng lungsod sa pag­pasok ng mga naka­ma­matay na kemikal kung saan binansagan din niya ang ordinansa na “Killing Me Softly” na unti-unting puma­patay sa mga resi­dente ng Pandacan at “She Bangs” na sa isang iglap ay posib­leng maglaho ang lungsod tulad ng naganap sa 9-11.

ANG OIL

CHUA

KILLING ME SOFTLY

KORTE SUPREMA

MANILA COUNCILOR JOEL CHUA

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

SHE BANGS

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with