Bodyguard itinumba

MANILA, Philippines – Binaril hanggang sa ma­patay ng hindi pa kilalang suspek na sinasabing mi­yembro ng agaw-armas gang ang isang driver-bodyguard kamakalawa ng gabi sa Pook dela Paz, Quezon City.

Agad na binawian ng buhay dahil sa mga tina­mong tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang bik­timang si Luvemin Leyte, 36-anyos, binata ng 86 Feria Road, Old Balara, Quezon City.

Sinabi ng pulisya na naglalakad ang biktima nang lapitan siya ng nag-iisang suspek na armado ng cal.45 at saka pinaula­nan ng bala ng baril ng apat na beses sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Pagkatumba sa kalye ng biktima, nilimas ng sus­pek ang dala nitong cal. 9mm, cellphone at pitaka. (Angie dela Cruz)


Show comments