Bodyguard itinumba
MANILA, Philippines – Binaril hanggang sa mapatay ng hindi pa kilalang suspek na sinasabing miyembro ng agaw-armas gang ang isang driver-bodyguard kamakalawa ng gabi sa Pook dela Paz, Quezon City.
Agad na binawian ng buhay dahil sa mga tinamong tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang biktimang si Luvemin Leyte, 36-anyos, binata ng 86 Feria Road, Old Balara, Quezon City.
Sinabi ng pulisya na naglalakad ang biktima nang lapitan siya ng nag-iisang suspek na armado ng cal.45 at saka pinaulanan ng bala ng baril ng apat na beses sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Pagkatumba sa kalye ng biktima, nilimas ng suspek ang dala nitong cal. 9mm, cellphone at pitaka. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending