^

Metro

Pagbaklas sa sexy billboards sinimulan

-

MANILA, Philippines – Inumpisahan na rin ng Department of Public Works and Highways ang pagbaklas sa mga billboards na may malalas­wang larawan at nasa maling puwesto.

Sinabi ni DPWH Under­­secretay Rafael Yabut sa isang panayam na, bukod sa mga mapa­nganib na billboards, nag­simula na rin silang mag­baklas ng mga sexually suggestive advertisements na nasa kalsada.

Hindi kasi aniya ma­ganda sa paningin ng mga bata ang mga malalas­wang larawang ginagamit ng ilang advertisers sa kanilang mga produkto.

Nakatatanggap na rin aniya sila ng reklamo mula sa mga magulang hinggil dito. Maliban kasi umano sa mga malalaswang la­rawan na nakikita ng mga bata sa mga magazines, internet at telebisyon ay mayroon ding nakikita sa mga billboards.

Sinabi ni Yabut na siya ring in charge sa “Task Force Baklas Billboard” ng DPWH na milyung-mil­yong estudyante ang dadagsa na sa mga lan­sangan bukas dahil sa unang araw ng pasukan.

Dahil dito, kinakaila­ngan aniyang matiyak na walang makikitang mga malalaswang larawan ang mga bata lalo pa at ilang araw na ring pinag-uusa­pan ang kontrobersiya hinggil sa mga sex videos na hindi rin nalilingid sa kaalaman ng mga ka­bataan.

May mga reklamo na rin silang natanggap noon pa mula sa mga motorista dahil nakaka-distract uma­no sa pagmamaneho ang mga “sexy billboards” na nagkalat sa Metro Manila.

Ang mga malalaswang billboards ay nakadarag­dag pa sa aksidente sa mga lansangan dahil naka­kaagaw-pansin ito sa mga driver. (Mer Layson)


DAHIL

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

INUMPISAHAN

MER LAYSON

METRO MANILA

RAFAEL YABUT

SHY

SINABI

TASK FORCE BAKLAS BILLBOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with