^

Metro

3 tauhan ng towing firm binoga ng ex-Army, 1 patay

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines – Isang tauhan ng towing company ang na­sawi habang dalawa niyang kasamahan ang na­sugatan nang pagbabarilin sila ng isang retiradong ka­pitan ng Philippine Army na nagalit nang hatakin nila ang sa­sakyan nito kama­ka­lawa ng gabi sa Taguig City.

Patay na nang ma­ipasok sa Ospital ng Makati ang biktimang si Jovie Bardon Canete, 30, ng Ba­rangay Bangkal, Makati City sanhi ng ilang tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nilalapatan naman ng lunas sa nabanggit na pa­gamutan ang dalawa pang biktima na sina John Rick Marbol at Allan Paredes, kapwa nasa hustong gulang, na nagtamo rin ang mga ito ng tama ng bala sa katawan.

Nadakip at ikinulong sa Taguig City Police ang sus­pek na si Mario Endozo Serrano, 57, ng Phase 4, APOVAI, Barangay South Side, Makati City. Naha­harap siya sa kasong homicide at double frustrated homicide.

Nauna rito, nakaparada bandang alas-9 ng gabi sa panulukan ng Bayani St. at C5 Road ang multicab ni Serrano sa Taguig.

Bawal pumarada sa na­turang lugar kaya pinun­tahan ito ng mga biktima na may dalang towing truck upang hatakin ang sa­sakyan ng suspek.

Subalit, ayon kay Dante Laurel, kasamahan ng mga biktima, hinintay muna nila si Serrano upang ipabatid dito na nakaparada sa bawal na lugar ang kan­yang behikulo.

Subalit nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkabilang panig hang­gang sa binunot ang baril ng suspek at pinaputukan ang mga biktima.


ALLAN PAREDES

BARANGAY SOUTH SIDE

BAYANI ST.

DANTE LAUREL

JOHN RICK MARBOL

JOVIE BARDON CANETE

MAKATI CITY

MARIO ENDOZO SERRANO

PHILIPPINE ARMY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with