Mister tinodas sa sasakyan
MANILA, Philippines - Tama ng bala sa mukha ang tumapos sa buhay ng isang 35-anyos na mister na natagpuang nakalugmok at nakahawak pa sa manibela ng kanyang sasakyan, kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Kinilala ang nasawing biktima na si Michael Gutierrez, nakatira sa Phase 9, Bagong Silang ng lungsod na ito.
Samantala, blanko pa ang pulisya sa kung sino at ano ang posibleng motibo sa pagpaslang dito.
Sa inisyal na report ng Caloocan City Police, dakong alas-4:45 ng umaga nang makita ang biktima na nakaupo sa harap ng manibela ng kanyang owner-type jeep (WHE-262) ng mga barangay tanod sa Phase 10B, Bagong Silang.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending