^

Metro

Sekyu lasog sa 10-wheeler truck

-

MANILA, Philippines - Hindi na nakarating sa papasukang trabaho ang isang 37-anyos na security guard nang ma­sawi bunga ng pagka­basag ng bungo ma­ tapos mahagip at maka­ladkad ng 10-wheeler truck sa Sam­paloc, May­nila, ka­hapon ng ma­daling-araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Joseph Cor­dero, security guard sa Perpetual Help Col­lege-Manila, at residente ng   Baltazar St., Sto. Tomas, Pasig City.

Siya ay nagmama­neho ng kanyang bisik­leta nang maganap ang insidente.

Sumurender naman ka­agad sa mga awto­ridad ang suspek at driver ng truck na si Rolando Dionisio, 35, ng Sto. Cristo, San Isidro, Nueva Ecija.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:10 ng madaling- araw nang maganap ang insidente sa kanto ng S. Loyola St. at Lacson Ave­nue, Sampaloc, Maynila.

Nabatid na habang inililiko patungong kanan  ni Dionisio ang Isuzu ten- wheeler truck (RFZ 588) nang aksidenteng ma­hagip nito ang biktima na noon ay lulan ng kanyang bisikleta.

Nakaladkad ng ilang metro ang biktima hang­gang sa pumailalim sa truck na ikinabasag ng kanyang bungo.

Nabatid din na mag­du-duty umano sa na­sabing eskwelahan ang biktima ng maganap ang trahedya.

Inihahanda ang ka­ song reckless impru­dence resulting in homi­cide ang sumukong driver na nakapiit sa Manila Traffic Bureau. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BALTAZAR ST.

JOSEPH COR

LACSON AVE

LOYOLA ST.

LUDY BERMUDO

MANILA TRAFFIC BUREAU

NABATID

NUEVA ECIJA

PASIG CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with