^

Metro

Showbiz personalities na dawit sa droga, hawak na ng PDEA

-

MANILA, Philippines – Hawak na umano ang Phi­lip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang listahan ng mga personalidad na gu­maga­mit ng droga at ngayon ay kanila ng iniimbestigahan.

Ito ang pahayag ni PDEA public information officer Derrick Arnold Carreon, ka­ugnay sa mga kilalang mga personalidad sa showbiz na lulong sa pag­gamit ng droga.

Magkagayunman, ayon kay Carreon, hindi muna umano nila ibubunyag ang mga na­turang personalidad dahil isinasailalim na nila ito sa masusing im­bestigasyon.

Natuon ang pansin ng pa­munuan ng PDEA sa mga per­sonalidad sa showbiz na gu­magamit ng droga matapos pumutok ang kontrobersya ng sex video nina Dr. Hayden Kho Jr. at aktres na si Katrina Halili kung saan lumutang ang isyu ng droga na pangunahing dahilan kung kaya nangyari ito.

Kasunod din nito ang ipi­nadalang subpoena ng ahen­sya kina Kho, ina nitong si Irene at Halili para humarap ngayon   sa gagawin nilang imbesti­gasyon kaugnay dito.

Ayon kay Carreon, si Halili ay kinumpirma ng kanyang abogadong si Atty. Palad na pupunta sa kanilang tang­gapan para pasimulan ang nasabing imbestigasyon. Habang wala namang kati­yakan kung dadalo sina Kho.

Samantala, nilinaw naman ni Carreon na hindi umano tinu­koy ni PDEA Director General Dionisio Santiago na lahat ng taga-showbiz ang gumagamit ng droga.

“Ang gusto lang sabihin ni Director Santiago na may mga personalidad sa showbiz na gumagamit ng droga at hindi lahat ng taga showbiz na tulad ng sinasabi nila,” ayon kay Carreon. (Ricky Tulipat)


vuukle comment

CARREON

DERRICK ARNOLD CARREON

DIRECTOR GENERAL DIONISIO SANTIAGO

DIRECTOR SANTIAGO

DR. HAYDEN KHO JR.

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

HALILI

KATRINA HALILI

KHO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with