^

Metro

Oil depot mananatili sa Pandacan

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines – Nilagdaan na kahapon   ni Manila Mayor Alfredo Lim ang Ordinance No. 7177 na nag­pa­pahintulot sa pananatili ng oil depot at iba pang kom­panya sa Pandacan at Sta. Ana, Maynila.

Saksi ang mga residente ng District 6 at mga sumusu­porta sa oil depot, tuluyan nang kinatigan ni Lim ang ordinansang ipinasa ng city council sa pangunguna ni Vice Mayor Isko Moreno na magbibigay ng tulong sa may mahigit sa 10,000 Manilenyo na posibleng mawawalan ng hanapbuhay.

Maliban kasi aniya sa oil depot, marami ding negosyo ang aalis sa Maynila kung ibi-veto niya ang naturang ordi­nansa at magmimistula na lamang “ghost town” ang lungsod.

Sa isang talumpati na isinagawa ng alkalde sa harapan ng daan-daang resi­dente ng Maynila, nagpaha­yag din ng paniniwala ang alkalde na kahit pa nilagdaan niya ang ordinansa ay hindi ito nangangahulugan na kino­kon­tra o binabalewala niya ang naunang desisyon ng Korte Suprema na ipinalabas noong Marso 7, 2007, na nag-uutos na alisin na ang oil depot sa Maynila.

Aniya, nagbigay naman umano kasi ang Korte Su­prema ng remedyo sa sarili nitong desisyon, matapos na sabihin na maaaring i-repeal o amyendahan ng Manila City Council ang Ordinance 8027.

Sinabi din nito na bago pa man siya nagdesisyon sa na­turang isyu ay nakipag-usap at sumangguni muna siya sa mga negosyante at mga re­sidente, na nagkaisa na payagan ang pananatili ng oil depot sa Maynila.

Samantala, iisa ang pa­nanaw nina 3rd Councilor Joel Chua at Manuel Zarcal sa pagsasabing moro-moro ang pag-aaral sa ordinansa dahil isang bahagi lamang ang tiningnan.

Hindi umano tinimbang ang seguridad na maaaring idulot nito sa mga residente par­tikular sa Pandacan at Sta. Ana.

Sa katunayan umano, inaasahan na nila ang pag­pirma ni Lim sa ordinansa dahil nag-iba na ang tono ng pananalita ni Lim matapos na ipasa sa konseho ang or­dinansa.

Idudulog pa rin nila ito sa korte upang kuwestiyunin ang validity ng ordinansa.


COUNCILOR JOEL CHUA

KORTE SU

KORTE SUPREMA

MANILA CITY COUNCIL

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANUEL ZARCAL

MAYNILA

ORDINANCE NO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with