^

Metro

Tanker vs jeep: 8 sugatan

-

MANILA, Philippines - Walo katao ang malub­hang nasugatan makaraang salpukin ng isang rumara­gasang tanker truck ang si­nasakyan nilang pampasahe­rong jeepney bago muling sumalpok sa isa pang truck sa lungsod Quezon ka­hapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga biktima na Rogelio dela Cruz, 20; Marissa Salicob, 52; Rossa Salicob, 17; May Pacos, 53; Vergel Galanza, 30; Ergie Chiva, 22; at Orbano Danie­res, na ngayon ay gina­gamot sa East Avenue Medical Center dahil sa mga tinamong mga sugat sa ulo at katawan. Nangyari ang insidente sa may Edsa-Quezon Avenue flyover ganap na alas-4 ng madaling-araw.

Ayon sa report, binabag­tas ng naturang tanker (WJP-590) ang north bound lane ng EDSA nang biglang sumabog ang gulong nito dahilan para ma­walan ng kontrol sa mani­bela ang driver at sumalpok sa PUJ (TWW-648) lulan ang anim na pasaherong bik­tima. Sa lakas ng impact tumi­lapon ng ilang metrong layo ang jeepney bago tuluyang humam­pas ito sa paparating na dump truck (UHK-998). Dahil dito, nagtamo ng pin­sala sa ulo at katawan ang mga biktima ng nasabing jeepney kung saan ang ilan sa mga ito ay tumilapon sa labas ng na­sabing sasakyan dala ng lakas ng pagkaka­bangga.

Nagkaroon din ng tensyon at nagpanik ang ilang suma­sak­lolong rescuer sa mga bik­tima matapos na umusok ang ilalim ng jeepney malapit sa tanker sa pag-aakalang sa­sabog ito. Patuloy ang imbestigas­yon ng awtoridad sa nasabing insi­dente upang matukoy ang tunay na may kasalanan dito. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EDSA-QUEZON AVENUE

ERGIE CHIVA

MARISSA SALICOB

MAY PACOS

ORBANO DANIE

RICKY TULIPAT

ROSSA SALICOB

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with