^

Metro

Sanggol, 6 pa sugatan sa demolisyon sa Taguig

-

MANILA, Philippines - Pito katao ang malubhang nasugatan kabilang ang isang sanggol nang muling sumiklab ang tensiyon at karahasan ma­tapos ang panibagong pag­salakay ng demolition team ng Philippine Army sa Sitio Masagana, kahapon ng umaga sa Bicutan, Taguig City.

Ilan sa mga nasugatan ay kinilalang sina Danilo Basog, isang sanggol at ang bago nitong panganak na ina na kaanak ng una at dalawang anak na babae ni Danilo.

Batay sa nakalap na im­pormasyon, dakong alas-8 ng umaga nang muling sumalakay ang Task Force Bantay ng Philippine Army upang muling gibain ang kabahayan sa na­turang lugar.

Nabatid na dalawang ta­uhan ng Task Force Bantay ang sinasabing unang nagpaputok ng M-16 rifle upang itaboy ang mga residenteng naninirahan sa naturang lugar.

Dahil dito pumalag si Basog dahilan upang masaktan ito na nag-ugat naman para umalma din ang mga kaanak nito da­hilan upang ang mga huli ay ma­sugatan din at madamay pa ang isang kapapanganak lamang na sanggol.

Ayon pa sa mga re­sidente, mismong si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nag­patigil para gibain ang kanilang tahanan isang linggo na ang nakalilipas pero nagpu­pumilit pa rin ang mga sundalo para gibain ang kanilang mga bahay.

Nitong nakaraang linggo, muling nagsagawa rin ng de­molition ang Task Force Bantay sa Sitio Masigasig pero ma­higpit na ipinatigil ito ni Pa­ngulong Arroyo sa pakiusap ni Taguig Representative Henry Duenas.

Narekober naman sa lugar ang mga basyo ng M-16 mula sa baril na ginamit ng sundalo sa pagpapaputok, habang ang ilan sa mga basyo ay agad na kinuha ng mga sundalo upang ikubli umano ang ginawang karahasan ng mga ito.

Ayon pa sa mga residente, patago ang ginagawang pagde-demolish sa kanilang lugar ng mga sun­dalo upang makaiwas sa mata ng media na naka­saksi habang marahas na ginigiba ang ka­bahayan sa Sitio Masigasig. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AYON

DANILO BASOG

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE ARMY

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

SITIO MASIGASIG

TASK FORCE BANTAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with