^

Metro

Bahay nabagsakan ng cargo truck

-

MANILA, Philippines - Isa ang nasugatan makaraang bumagsak sa kanyang tinitirhang barung-barong ang isang cargo truck na nawalan ng kontrol maka­raang umano’y makatulog ang driver nito kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Wasak na wasak ang bahay ng biktimang si Mamon Villanueva subalit himala naman siyang nakaligtas sa tiyak na kamatayan, pati na ang driver ng trailer truck na may hila pang 20-footer container van na si Nemencio Celes­tino ng Tan­dang Sora, Quezon City.

Ayon sa ulat, mabilis na tinatahak ng trailer truck (PUA-484) ang kahabaan ng South Luzon Express­way patungong Manila nang big­lang mawalan ng kontrol pagsapit sa Susana Heights, Putatan, Muntinlupa at tuluy-tuloy na nahulog sa may 20-talampakang gilid ng highway dakong alas-12:30 ng madaling-araw. Nabatid na mahim­bing na natutulog si Villa­nueva sa loob ng kanyang barung-barong nang bigla nang bumagsak mismo dito ang truck. Ikina­tuwiran naman ni Celestino sa mga tauhan ng PNCC na aksidente niyang na­­bangga ang isang pampasaherong bus na lalag­pasan sana niya kaya’t nawalan siya ng kontrol sa manibela hang­gang mahulog sa gilid ng kalsada.

Subalit duda naman ang mga tauhan ng PNCC sa naging katuwiran ni Celestino dahil wala namang iba pang uri ng sasakyan sa naturang lugar kaya’t may hinala silang naka­tulog ang driver sa pagmamaneho lalo na’t wala naman siyang kapalit o kasamang driver. Kasalukuyan nakapiit sa Muntinlupa Traffic Bureau si Celestino at naka­tak­dang sampahan ng kaukulang kaso. (Rose Tamayo-Tesoro)

CELESTINO

MAMON VILLANUEVA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA TRAFFIC BUREAU

NEMENCIO CELES

QUEZON CITY

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

SOUTH LUZON EXPRESS

SUSANA HEIGHTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with