^

Metro

Ex-chief of police protektor ng shabu laboratory, timbog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang dating hepe ng pulisya sa Dagupan City ang inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa umano’y pagbibigay proteksyon  sa isang drug den sa La Union.

Sa ipinarating na ulat ng PDEA Ilocos Region office sa tanggapan ni PDEA Director General Dionisio San­tiago ang suspek ay nakilalang si Superintendent Dionicio Borromeo, na ngayon ay nakaditine sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, sa lungsod Quezon.

Dinakip si Borromeo sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Mary R. Molina ng Regional Trial Court Branch 33 sa Ba­uang, La Union, na may petsang May 22 kung saan walang nakala­ang piyansa.

Si Borromeo, graduate ng Philippine Military Academy class 1989 ay isinang­kot bilang protektor ng isang drug laboratory sa Naguilian, La Union ma­tapos ang ginawang pag­sa­lakay ng tropa noong na­ka­raang taon, ayon sa PDEA.

Kasama rin ni Borro­meo na isinasangkot ang anim pang pulis dahilan ng ka­nilang pagkakasuspinde sa serbisyo.

Ayon sa ulat, tinatayang aabot sa P27 milyong raw chemicals at equipment ang narekober sa raid kung saan sapat para makapag-produce ng trillions halaga ng   shabu.

Samantala, ang finan­cer ng drug laboratory, na naki­lalang si Joselito Artuz, kilala rin bilang “George Cordero”, ay patuloy na tinutugis ng pamunuan ng PDEA.

CAMP CRAME

CUSTODIAL CENTER

DAGUPAN CITY

DIRECTOR GENERAL DIONISIO SAN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GEORGE CORDERO

ILOCOS REGION

JOSELITO ARTUZ

LA UNION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with