^

Metro

Pagpapaliban sa pasukan, giit ni Bistek

-

MANILA, Philippines – Upang masiguro na ligtas ang mga estudyante sa epidemya ng swine flue o Influenza A (H1N1) virus nanawagan si Quezon City Vice Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista na kung maari ay ipagpaliban muna ng isang Linggo ang pagbubukas ng klase. Ayon kay Bistek, kailangan umano ang mga kahandaan at kaalaman para sa mabisa at epek­tibong depensa laban sa nasabing sakit kung kaya hindi umano dapat ma­daliin ang pagsisimula ng klase. Giit ni Bistek, dapat na magkaroon ng pag-uusap ang mga magu­lang, kinatawan ng DepEd, School Board, Department of Health at mga opisyales ng lungsod para madesis­yunan ang pagpapaliban ng pagbubukas ng klase. Aniya, malaking tulong sa kaligtasan ng mga kaba­taang estudyante kapag ipag­paliban muna ng Dep­Ed ang klase. (Ricky Tulipat)


ANIYA

AYON

BISTEK

INFLUENZA A

MAYOR HERBERT

QUEZON CITY VICE

RICKY TULIPAT

SCHOOL BOARD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with