Bebot brutal na pinatay

MANILA, Philippines – Brutal ang ginawang pagpaslang sa isang babae nang matag­ puang nakahandusay sa may Quiapo, Maynila kahapon ng umaga.

Ang biktima na tinatayang nasa edad na 25 hanggang 30, kayu­manggi, may taas na 4’10”, nakasuot ng kulay itim na t-shirt at kulay brown checkered short pants ay nagtamo ng mga saksak sa leeg, laslas sa pulso at pilas na ‘nipple’ sa kanang dibdib.

Sa ulat ni SPO2 Ricardo Mendoza ng Manila Police District -Homicide Section, dakong alas-11:00 ng umaga nang madiskubre ang biktima sa loob ng IAC Realty Corporation Compound, na matatagpuan sa No. 505 Carlos Palanca Sr., st., Quiapo.

Inireport umano sa MPD ng isang Ignacio Meroegia Gelit Jr., on duty security guard ang natagpuang bangkay ng biktima.

Sinabi ni Norjan Mabato, 34, kagawad ng Brgy. 648,  Zone 67 na sinasabing hindi umano residente sa kanilang lugar ang biktima. Patuloy pang iniimbestigahan ang kaso. (Ludy Bermudo)


Show comments