^

Metro

QCPD cops sa Failon case, balik-trabaho

-

MANILA, Philippines – Matapos bunuin ang 30 araw na pagkakasuspinde, balik-trabaho na kahapon ang mga miyembro ng Quezon City Police na sinuspinde dahil sa kaso ng umanoy maling pag­trato sa mga inaarestong ka­anak ni ABS-CBN broadcaster Ted Failon ka­ ugnay sa kaso ng pagka­matay ng asawa nito na si Trina Etong.

Kabilang sa nakabalik sa kanilang tungkulin si Senior Su­perintendent Franklin Mabanag.

Hindi naman nagbigay ng komento ang nasabing tropa bagkus ay nakangiti lamang ito nang tanungin ukol sa muli nilang pagbabalik sa nasabing kagawaran.

Subalit, ayon sa ulat, po­si­b­leng harapin pa rin ng na­sabing kapulisan ang kasong criminal mula sa kampo ni Failon ka­ugnay sa insidente.

Maaalalang, pinatawan ng 30 araw na suspension noong na­­karaang buwan ang nasa­bing tropa dahil sa marahas na pag-aresto sa kaanak ng nasa­bing broadcaster sa kasag­sagan ng kaso ng pagkamatay ni Trinidad.

Ang insidente ay nangyari sa New Era Hospital kung saan itinakbo si Trina makaraang matagpuan itong duguan sa comfort room ng kanilang taha­nan sa # 27, General Aquino Street, Tierra Pura subdivision sa Quezon City.

Kamakailan lang ay ipina­hayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na suicide ang pagkamatay ni Trinidad at wala umanong foul play na naganap dito. (Ricky Tulipat at Rose Tamayo-Tesoro)


FRANKLIN MABANAG

GENERAL AQUINO STREET

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NEW ERA HOSPITAL

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

RICKY TULIPAT

ROSE TAMAYO-TESORO

SENIOR SU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with