Traffic signs ninanakaw
MANILA, Philippines - Pinaigting ngayon ng pamahalaang panglungsod ng Navotas ang kampanyan laban sa mga magnanakaw ng mga traffic signs, railings at mga traffic equipments dahil sa pagiging talamak nito.
Ito’y matapos na makarating kay Mayor Toby Tiangco ang nakawan sa mga traffic signs at iba pang gamit pangtrapiko na ibinibenta umano sa mga junk shop.
Dahil dito, labis na apektabo ang sistema ng pamamahala sa daloy ng trapiko sa lunsod at madalas rin na dahilan ng aksidente ang kawalan ng mga traffic signs na paulit-ulit na ninanakaw ng mga kawatan.
Bukod sa pagkakakulong dahil sa kasong theft, pagmumultahin rin agad ng P2,500 ang sinumang madadakip o sinumang madidiskubreng bumibili ng mga traffic signs. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending