MANILA, Philippines - Isang babaeng pinaniniwalaang may “sayad” ang natagpuang wala nang buhay makaraang magsasayaw sa kalye sa harapan ng Paradise learning center sa Balut, Tondo, Manila kama kalawa ng hapon.
Ayon kina Barangay Kagawad Elsie Rivera at tanod na si Arcelito Belarmino ng Barangay 128, Zone 10, huling nakitang buhay ang biktima na hubo’t hubad na nagsasayaw sa kahabaan ng Road 10 at sa tagal umano ng pagsasayaw ay napagod at umupo sa tapat ng learning center. Maya-maya ay napahiga ito.
Makaraang ang ilang oras ay napansin na lamang na hindi gumagalaw ang biktima at nang usisain ay patay na.
Wala pang makapagsabi kung sino at saan nakatira ang biktima bagamat madalas nilang makita sa lugar na dumadaan ito. (Ludy Bermudo)