2 bebot na nagpanggap na tauhan ni Kabayan nanloko sa ospital

MANILA, Philippines - Isang misis ang na­linlang at nanakawan ng dalawang babaeng nag­­panggap na social wor­ ker at secretary umano ni Vice President Noli “Ka­bayan” de Castro sa loob ng National Kidney Institute sa Quezon City ka­maka­lawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Caroline Tuliao, 24, ng San Agustin, Malolos Bulacan, na ang pas­ yente sa nasa­bing os­pital ay ang pinsan niyang si Antonio Tuliao.

Sinabi ni Tuliao na nilapitan siya ng mga suspek na nagpakila­lang social service personnel at kalihim ni de Castro at nag-alok sa kanya ng tulong sa pam­bayad sa ospital.

Dahil pawang maga­ling magsalita at sa pag-aakalang sinsero ang pakay ng dalawa ay napapaniwala naman ang biktima lalo na nang samahan siya ng mga ito sa billing station para tanungin ang babaya­ran ng kanyang pinsang na-confine dito na aabot sa P85,000.

Sa naturang halaga ay nakumbinsi ang gi­nang na matutulu­ngan siya ng mga sus­pek hanggang sa pag­sapit sa kuwarto ng pas­yente ay saka sinimulan ang kanilang modus.

Dito ay hiningi ng mga suspek ang P5,000 dala ni Tuliao para sila na umano ang mag­kumpleto ng hospital bill ng biktima. Maging ang passport ng biktima ay hiningi ng mga suspek para patunay na nang­hihingi sila ng tulong at maipakita sa Bise Pre­sidente.

Makaraang maiabot ang salapi at passport ay agad na nagpaalam ang mga suspek ngunit ma­kalipas ang ilang oras ay hindi na ito muling nag­balik. (Ricky Tulipat)

Show comments