Taxi driver dedo sa holdap

MANILA, Philippines - Patay ang isang taxi driver makaraang holdapin at barilin ng dalawang kalalakihan kahapon ng umaga sa Valenzuela City. Hindi pa nakikilala ang biktima dahil sa tinangay ng mga pinaniniwalaang holdaper ang kanyang wallet. Siya ay nagma­maneho ng Stanpin taxi (PVZ-426). Sa ulat, alas-8:30 ng umaga, sakay ang mga suspek sa taxi ng biktima at pagsapit sa Agoho St., ay hinoldap ito. Kinuha ng mga suspek ang wallet ng biktima bago tumakas. Dinala ang bangkay nito sa Valenzuela Funeral Parlor. (Lordeth Bonilla)

Show comments