^

Metro

Mga deboto ng Nazareno nagsagawa ng kilos-protesta

-

MANILA, Philippines - Sumiklab ang maikling tensiyon sa Minor Basilica ng Black Nazarene sa Quiapo church nang magdaos ng sorpresang kilos-protesta ang may 80 katao na kinabibila­ngan ng Hijos de Nazareno at ilang debotong residente laban sa pamunuan ng na­sabing simbahan na itinaon sa pastoral visit  ni Manila Arch­bishop Gaudencio   Ro­sales, kahapon ng umaga.

Naging mainit ang mga nagra-rally sa panig ng Hijos de Nazareno, mga kalalaki­hang humihila sa lubid at nag­sasaayos ng prusisyon, nang sila ay sibakin ni Msgr. Jose Cle­mente Ignacio, Rector at Pa­rish Priest ng Quiapo church.

Iginiit ng Pangulo ng Hijos na si Tony Saavedra, na hindi makatarungan na sila ay si­bakin dahil ilang dekada na silang nangangasiwa sa pag­hila ng Nazareno at ngayo’y sisibakin dahil sa kanila isini­sisi ni Fr. Ignacio at ba pang kaparian ang kapalpakan sa naganap na kapistahan no­ong Enero 9, 2009.

Hindi man umano nasu­nod ang itinakdang ruta ng prusisyon, wala umano silang kasalanan kundi ang mga tao na rin ang may kagagawan na naglihis sa ruta upang isunod sa tradisyunal na ruta ang nasabing prusisyon ng Black Nazarene.

Iginiit naman ng pamu­nuan ng Quiapo church na gi­nagawa lamang ang pagba­bago sa kaayusan ng pama­malakad ng simbahan at sa mga pagdiriwang upang ma­iwasan ang kaguluhan at ma­punta ang daloy ng abuloy sa kinauukulan.

Naniniwala sila na ikinatu­tuwa na ng mga residente at deboto ang pamamalakad ng kanilang pamunuan sa kasa­lukuyan na sinasamantala umano ng ilang indibidwal par­tikular sa mga koleksiyon na walang kinalaman ang simbahan.

Nanawagan din ang Quiapo church administration sa mga deboto at residente na ipagdasal na lamang ang pagkakasundo at kaayusan sa simbahan. (Ludy Bermudo)

BLACK NAZARENE

HIJOS

IGINIIT

IGNACIO

JOSE CLE

LUDY BERMUDO

MANILA ARCH

NAZARENO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with