Pader gumuho, electrician patay
MANILA, Philippines - Isang electrician ang nasawi, habang tatlong kasamahan nito ang nasugatan makaraang madaganan nang gumuhong pader sa isang construction site na kanilang pinagtatrabahuan, kahapon ng umaga sa Pasay City.
Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Rafael Rapadas-Jardin, 51, taga Biñan, Laguna.
Samantala, nilalapatan pa ng lunas sa nabanggit na pagamutan ang kanyang mga kasamahang sina Mel Barantoza; Michael Francisco at Reynaldo Sison.
Sa imbestigasyon ng Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas-7:20 ng umaga sa Parca Building Construction Site, na ang kontraktor ay ang Ali Builders, malapit sa Cuneta Elementary School na matatagpuan sa Park Avenue Ext., ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na habang gumagawa ang mga biktima sa nabanggit na construction site at maaaring dahil sa lakas ng vibration ng jack hammer na kanilang ginagamit ay doon na biglang gumuho ang pader dito kung saan nadaganan si Jardin na hindi na naisalba ang buhay.
Hanggang sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang nabanggit na insidente.
- Latest
- Trending