^

Metro

2 kelot binareta sa ulo, todas

-

MANILA, Philippines – Dalawang lalaki ang iniulat na nasawi matapos na pag­ha­hatawin ang mga ito ng bareta ng isang 21- anyos na mister makaraang mag­talo ukol sa utang na hindi naba­bayaran sa lungsod ng Que­zon, iniulat kahapon. 

Dead-on-the-spot sa pi­nangyarihan ng insidente ang mga biktimang sina John Michael de Guzman, 24, at Ryan Estacio, 27.

Arestado naman ang sus­pek na si Albert Villagame, ng Brgy. Bagong Silangan Que­zon city.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa   loob ng bahay ng suspek sa nasabing lugar ganap na alas -8 ng umaga.

Bago ito, pinuntahan umano ni de Guzman ang sus­pek sa bahay nito para singilin sa kanyang utang na ma­tagal nang hindi nababa­yaran.

Dahil walang trabaho, nangatwiran ang suspek na wala pa siyang pambayad da­hilan upang magalit si de Guz­man na noon ay may tangang bareta at hinataw ang una.

Mabilis namang nakade­pensa ang suspek at naga­wang maagaw ang bareta sa biktima at pinaghahataw nito ang huli sa ulo at leeg na agad na ikinamatay nito.

Samantala, pagpasok naman sa loob ng bahay ni Estacio at makita ito ng sus­pek ay ito naman ang pinag­balingang paghaha­tawin ng huli hanggang sa mamatay.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang sus­pek patungong Area 11, Eagle St., Sitio Veterans Barrio Silanganan ngunit maka­lipas ang ilang oras ay nag­pasya ring sumuko sa awto­ridad. (Ricky Tulipat)


vuukle comment

ALBERT VILLAGAME

ARESTADO

BAGONG SILANGAN QUE

EAGLE ST.

GUZMAN

JOHN MICHAEL

RICKY TULIPAT

RYAN ESTACIO

SHY

SITIO VETERANS BARRIO SILANGANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with