^

Metro

3 Tsinoy trader nilooban na, binugbog pa

-

MANILA, Philippines – Sugatan ang tatlong negos­yanteng Tsinoy, habang humi­git-kumulang naman sa P.3 milyong halaga ng RTWs ang natangay sa mga ito makara­ang pasukin ng apat na arma­dong holdaper ang kanilang bo­dega at bugbugin pa ang mga una, kahapon ng umaga sa Pasay City. Tatlo sa apat na bik­tima na kinilalang sina David Go, 38; Hong Qing Jiang, 55; at Jasper Go, 20, pawang resi­dente ng   Seafront Homes, Apelo Cruz Ext., Pasay ay pawang nilapa­tan ng lunas sa Pasay City Ge­neral Hospital bunga ng mga sugat, pasa at bukol sa kanilang katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-10:15 ng umaga nang mangyari ang naturang insidente habang abala ang mga biktima sa pag-aayos ng panindang RTW sa   Aid Matic Compound, Apelo Cruz Ext., Pasay City. Apat na lalaki umano kasama ang ka­nilang helper na kinilala sa pa­ngalang Sonny Boy Armo­guella, ang unang pumasok sa bodega at hinakot ang mga RTW ng mga biktima.

Habang nasa aktong inila­labas sa bodega ang mga pa­ninda, nahuli naman ng mga biktima ang mga suspect na agad nilang tinangkang hara­ngin. Dahil nabuko ang ginaga­wang pagnanakaw, agad na pinagbubugbog ng mga sus­pect ang mga biktima saka nag­sitakas tangay ang mga nina­kaw na RTWs. (Rose Tamayo-Tesoro)


vuukle comment

AID MATIC COMPOUND

APELO CRUZ EXT

DAVID GO

HONG QING JIANG

JASPER GO

PASAY CITY

PASAY CITY GE

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with