Dalaga binareta, minaso sa ulo
MANILA, Philippines - Halos madurog ang ulo ng isang 27-anyos na dalaga matapos itong paghahatawin ng bareta at maso ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Wala ng buhay nang makita ang biktimang si Catherine Sarabia, ng Phase 5, Bagong Silang ng lungsod na ito.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, alas-9:45 ng gabi, umuwi ang tiyahin ng biktima na si Elena Puso at nang pasukin ang kuwarto ni Sarabia ay nakita na nitong nakabulagta ito at halos madurog ang ulo.
Nakita sa kuwarto ng biktima ang bareta at maso na hinihinalang ginamit ng mga suspek. Wala naman nawawala sa mga gamit ng biktima kung saan nag sasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis upang malaman ang motibo ng nasabing insidente. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending