^

Metro

Mister iniwan ni misis, nagbaril

-

MANILA, Philippines - Nagpatiwakal ang isang 29-anyos na mister sa pamamagitan ng pagbaril sa sentido nito, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Wala nang buhay nang idating sa Parañaque City Medical Center ang biktimang si Ariel Bungay sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .9mm sa kanang sentido nito.

Lumabas naman sa isinagawang imbesti­gasyon na naburyong umano ang biktima nang iwanan ito ng kanyang misis sa hindi malamang dahilan kung saan naiwa­nan sa pangangalaga nito ang 6-anyos nilang anak na lalaki.

Nabatid na kamakalawa ng dakong alas-6:10 ng gabi, habang naglilinis umano sina Arneline Aranico at Ailan Basihan, mga kasambahay ng biktima sa ikalawang palapag ng bahay ng bik­tima sa Rafael St., corner Sealtiel St., Krausw Village, Greenheights, San Isidro, Parañaque City ay nakarinig na lamang ang mga una ng isang malakas na putok sa silid ng huli sa ikatlong palapag ng bahay nito. Kaagad naman umanong tinungo at kinatok ng dalawa ang silid ng kanilang amo subalit hindi ito nagbukas kung kaya’t pwer­sa­han na nilang binuksan ang pinto hanggang sa tumambad sa ka­nilang paningin ang naka­handusay at dugu­ang katawan ng biktima.

Napag-alaman na bago isinakatuparan ang pagbabaril sa sarili ay nag-iwan pa ng mensahe sa kanyang cellphone ang biktima na nakikiusap sa kanyang kapatid na nakatira sa Quezon City na kunin na lamang nito ang kanyang bangkay. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AILAN BASIHAN

ARIEL BUNGAY

ARNELINE ARANICO

CITY MEDICAL CENTER

KRAUSW VILLAGE

QUEZON CITY

RAFAEL ST.

ROSE TAMAYO-TESORO

SAN ISIDRO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with