^

Metro

Kaso vs Hayden isinampa ni Katrina

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pormal ng nagharap ng rek­lamo sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kontrobersiyal na aktres na si Katrina Halili laban kay Dr. Hay­den Kho kaugnay nang pi­nag­piyestahang sex video sa inter­net at maging sa pirated DVDs.

Bilang pasimula ng imbesti­gasyon isasalang muna sa psycho­logical at psychiatric test ang aktres. Dakong alas-2 ka­hapon nang magtungo si Halili at ka­sama si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. at dalawang abugado sa tanggapan ni NBI Director lawyer Nestor Manta­ring at doon idinulog ang rek­lamo laban sa doktor.

Sinabi ni Mantaring na ipa­tatawag nila si Kho, na kasa­lukuyang nasa Estados Unidos umano kasama si Dr. Vicki Belo. Nagkaroon ng halos isang oras na closed-door meeting upang iwasan muna ang media baga­mat si Mantaring na ­ang nag­sabi na kukuhanan pa nila ng affidavit si Halili at wala pa itong naibibigay na detalye sa kanila.

 “Katrina Halili, together with Senator Bong Revilla, arrived here to file a complaint against Dr. Hayden Kho. She did not give details. And we will take her statement,” ani Mantaring.

Nagkaroon din kahapon ng inisyal na interview si Halili kay Dr. Cynthia Alcuaz  ng NBI Neuro-Psychiatric System.

Nilinaw ni Mantaring na ang tutukuyin nila sa imbestigasyon kung ano ang probisyon sa RA 9262 o violation against women and children ang nalabag ni Kho sa paglalabas ng sex video at ang computer crimes o pana­nagu­tan sa pag-upload ng ma­laswang eksena sa internet.

Hahawak umano ng imbes­tigasyon ang Anti-Fraud and Computer Crimes Division (AFCCD) at Violence Against Women and Children Division (VAWCD) sa kaso ni Halili at dalawa pa umanong magagan­dang babae na nagkaroon din ng sex video si Kho.

“The sex videos of Halili and other pretty women, a Brazilian and commercial model, circu­late in the You Tube so we will try to retrieve evidence. Tingnan natin kung malalaman natin who is/are behind posting of the video and when it was first posted in the You Tube and any­thing that could help in our in­vestigation,” ani Mantaring.

Hindi pa umano nila masa­sabi ang specific na kasong iha­harap kay Kho sa ngayon at ipau­ubaya nila ito kay AFCCD chief, Atty.  Vicente de Guzman III.

Sa panig ni Halili, sinabi niya na nais niyang mabigyan ng leksiyon si Kho upang hindi na magawa pa sa ibang babae.

“Gusto ko nang lumaban kasi ayoko maulit ang mga ga­nitong pangyayari sobrang pam­bababoy ang ginawa sa amin ni Hayden Kho. Ayoko nang maulit ito sa ibang babae,” habang lumuluha na nagpapa­hayag.

“Hinaharap ko itong kahi­hiyan na ito para lang ma­tapos na kasi ako mismo sa sarili ko ayaw ko na maulit sa akin to kasi kahit anong ingat, kung mga lalaki intensyon nila na gawin yon. Gusto ko lang ma­tuto yung ibang tao, gusto ko na harapin ito, kahit ako na yung nakakahiya,” she said.

“Basta sa ngayon gusto ko matuto lahat ng tao, mga babae wag magtiwala kung kani-kanino. Hindi ako uurong, mga nagkalat, napakawalanghiya niya, hindi ko sila uurungan, gusto ko magkaroon ng takot yung mga taong gumawa nito ulit,” dagdag pa ni Halili.

Samantala, nanawagan na­man si Revilla na lumantad na rin ang iba pang nais mag­harap ng reklamong katulad nito laban kay Kho, kung mayroon man.

Ayon kay Justice Secretary Raul Gonzalez, malamang ma­kulong si Kho nang anim na buwan kapag napatunayang nagkasala ito at sinadya nitong ipakalat ang sex video. (Dag­dag ulat nina Gemma Amargo Garcia, Malou Escudero at Butch Quejada)

ANTI-FRAUD AND COMPUTER CRIMES DIVISION

BUTCH QUEJADA

DR. CYNTHIA ALCUAZ

DR. HAY

HALILI

KATRINA HALILI

KHO

MANTARING

SHY

YOU TUBE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with