^

Metro

Riding-in-tandem patay dahil sa 'askal'

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines – Isang ‘askal’ o asong kalye ang naging sanhi ng kama­tayan ng dalawang lalaki ma­karaang mabangga ito ng kanilang sinasakyang motor­siklo sanhi ng kanilang pag­semplang, kamakalawa ng umaga sa Marikina City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Angelito Serrano Llamido, 37; at Joseph Reyes Aranas, 23, kapwa residente ng Buntong Palay 2, Brgy. Silangan, San Mateo, Rizal. 

Sa ulat ng Marikina Traffic Sector Unit, dakong alas-6 ng umaga kamakalawa nang maganap ang aksidente sa panulukan ng Doña Aurora St. at G. del Pilar St. sa Brgy. Parang.

Nabatid na sakay ang mga biktima ng isang motorsiklo (NI-3516) nang mabundol ang naturang aso sanhi upang sumemplang ang mga ito at sumadsad sa konkre­tong kalsada.

Nagtamo ng matitinding pinsala sa katawan at ulo ang mga biktima na mabilis na isinugod ng mga awtoridad sa pagamutan kung saan hindi na naisalba pa ng mga mang­gagamot. Hinihinala naman ng mga awtoridad na ma­aaring matulin a­ng patakbo sa motor­siklo kaya naging napakatindi ng pin­salang natamo ng mga ito. Katunayan rin nito, nabatid na namatay rin umano ang asong nabundol ng motor.

Samantala, namatay din ang isang empleyado, ha­bang kritikal naman ang angkas nitong babae ma­karaang mabangga at ma­gulungan pa ng rumara­gasang armoured van ng isang banko ang una habang lulan ng kanyang mina­manehong motorsiklo sa Makati City.

Nakilala ang nasawi na si Wilfredo Enriquez, sugatan naman ang angkas nitong si Susan Villanueva, 26.

Naganap ang insidente, dakong alas-8:55 ng umaga sa panulukan ng Kamagong at Chino Roces Avenue, Brgy. San Antonio, Makati City.

Nabatid na kapwa mabilis na umarangkada ang motor­siklo ng biktima (ZN-125) at armoured van (PSM-634) na minamaneho naman ni Ar­mando Magada, 38, matapos mag-go ang traffic signal light sa naturang lugar.

Sa bilis ng arangkada ng dalawang sa­sakyan, nahagip ng armoured van ang ka­liwang bahagi ng motorsiklo na naging dahilan upang una ulong tumilapon ang mga sakay nito na ikina­sawi nga ni Enriquez. (Dag­dag ulat ni Rose Tamayo-Tesoro)


ANGELITO SERRANO LLAMIDO

AURORA ST.

BRGY

BUNTONG PALAY

CHINO ROCES AVENUE

JOSEPH REYES ARANAS

MAKATI CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with