Lim may birthday gift sa senior citizens ng Maynila

MANILA, Philippines - Isang bag na puno ng grocery items ang irere­galo ng lungsod ng May­nila sa lahat ng senior citizen dito na magdiri­wang ng kanilang kaara­wan simula sa buwang ito.

Ito ang handog na proyekto ni Manila Mayor Alfredo S. Lim na pasisi­mulan na sa buwang ito sa pamamagitan ng Ma­nila Department of Social Welfare na pinamumu­nuan ni Jay dela Fuente.

Bukod sa bag of gro­ce­ries, espesyal na bag na puno ng Unilever pro­ducts din ang kasama. Maaari ding maisabay na ipagkaloob ang puhu­nang pangkabuhayan na nagkakahalaga ng mula P2,000-P3,000 at posible ring makatanggap ng scholarship ang kanilang mahal sa buhay.

Upang maka-avail nito, pinayuhan ni Dela Fuente ang bawat senior citizens na bago mag­tungo sa kaniyang tang­gapan ay siguruhing may dalang ID na miyembro ng Senior Citizen at para sa wala pa ay kumuha umano sa office of the Senior Citizens Affair. (Doris Franche)

Show comments