^

Metro

Nakawan sunud-sunod

-

MANILA, Philippines - Halos magkasabay na nilooban ang isang hotel room at isang oku­padong silid ng isang con­dominium sa Sam­paloc at Malate sa May­nila nitong nakalipas na Biyernes at Sabado, ayon sa ulat ng Manila Theft and Robbery Sec­tion kahapon.

Nabiktima ang isang 27-anyos na tourist guide na si Romyl Chris Lee na gumagamit sa Room 324 ng Soho Hotel sa M.H. del Pilar st., Malate.

Natuklasang nawa­wala na ang tatlong cell­phone at nakatagong p40,000 cash sa kan­yang silid.

Ikalawang nagrek­lamo ang isang Roderick Madninio, 38, na nilo­oban umano ang inu­okupahang Room 204 sa Loreto Condominium sa Sampaloc sa pagitan ng alas-8:30 ng gabi ng Biyernes.

Natangay umano ang P120,000 halaga ng kan­yang mga alahas at maha­halagang doku­mento tulad ng insurance policies at passports at ilang medalya. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BIYERNES

IKALAWANG

LORETO CONDOMINIUM

LUDY BERMUDO

MANILA THEFT AND ROBBERY SEC

NABIKTIMA

RODERICK MADNINIO

ROMYL CHRIS LEE

SHY

SOHO HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with