^

Metro

Caretaker pinag-almusal ng saksak, tigok

-

MANILA, Philippines - Pinag-almusal ng sak­sak sa dibdib ang isang  caretaker na ikinasawi nito ng  isang 26-anyos na bi­nata na kanyang pinagbin­tangan nagnakaw, kaha­pon ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.

Hindi na naisalba ng Chinese General Hospital ang biktimang si Hernando Leonor, alyas “Bay”, 35, binata, caretaker sa isang bakanteng lote sa may panulukan ng Aurora Boulevard at Cavite st., Sta. Cruz, Maynila.

Agad namang naaresto ng barangay kagawad ang suspek na si Louie Tolen­tino, alyas “E.T”., binata, walang trabaho at walang permanenteng tirahan.

Sa ulat ni Det. Richard Lumbad ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:30 ng uma­ga nang maganap ang pa­nanaksak sa biktima sa loob ng bakanteng lote sa Sta. Cruz, Maynila.

Nabatid na nawalan ng pitaka ang biktima na may lamang P900. habang na­tu­tulog umano kamaka­lawa ng gabi, batay sa idinulog niyang reklamo kay Kagawad Manuel Medrano ng Barangay 372,  Zone 37,  Dist. III, at iti­nuturo niyang kumuha ang suspek na nakikitulog sa bakanteng lote.

Nang ipatawag ni Ka­gawad Medrano ang sus­pek ay itinanggi nito ang bintang na siya ang nag­nakaw hanggang sa pina­uwi na lamang sila ng barangay kagawad.

Kahapon ng umaga, may nagsabi sa suspek na galit pa rin ang biktima at nagsasalita umanong ipa­ku­kulong ng habambuhay ang suspek.

Dahil sa pagngingitngit ng suspek ay kinompronta ang biktima  sa loob ng bakanteng lote at  maya-maya ay nakita na lamang na nagbunot ng patalim ang una na itinarak sa dibdib ng huli.

Mabilis namang rumes­ponde si Medrano kaya inabutan nito ang suspek at agad inaresto bago nai-turn over sa MPD-station 3. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

AURORA BOULEVARD

CHINESE GENERAL HOSPITAL

CRUZ

HERNANDO LEONOR

KAGAWAD MANUEL MEDRANO

LOUIE TOLEN

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with