Kaso ng karnap patuloy na tumataas
MANILA, Philippines - Sa kabila nang pagpapaigting ng pambansang pulisya sa police visibility, tatlong sasakyan kada araw ang nabibiktima ng grupo ng mga carjacker sa Kalakhang Maynila.
Kasabay nito, pinayuhan ng pulisya ang mga may-ari na maglagay ng anti-thief devices o car alarm sa kanilang sasakyan.
Base sa report ng pulisya, nabatid na may 349 sasakyan ang kinarnap simula noong buwan ng Enero hanggang Abril ng taong kasalukuyan. Mula naman Abril hanggang sa ngayon, na 86 ng insidente ng carnapping ang naitala ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).
Nabatid na ang bahagi ng Southern Metro Manila ang may pinakamataas ng bilang na insidente ng carnapping, kung saan nasa 107 ito. Kung saan ang pinakamababa ay ang Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area at nasa 74 ang bilang ng insidente nito.
Nabatid pa rin na ang sport utility vehicle (SUV) ang mabenta sa mga carjacker.
“That should set an alarm for commanders as the crime poses grave threat not just to the security of citizens but to the economy as well,” ayon kay NCRPO spokesman Supt. Rommel Miranda. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending