^

Metro

Habang dumadalo sa court hearing: Pekeng abogado arestado

-

MANILA, Philippines - Isang 51-anyos na abogado ang dinakip ng mga ahente  ng National Bureau of Investigation (NBI)  habang dumadalo ng hearing sa korte, sa Pasay City, ayon sa ulat kahapon.

Sinampahan na ni Atty. Ruel Lasala, Deputy Director for Intelligence Services, ang suspek na si Dionisio dela Cruz Arevalo, residente ng Cupang St., Muntinlupa  City  ng kasong misrepresentation /usurpation of authority, sa ilalim ng Article 177 ng Revised Penal Code dahil sa pag­hawak ng mga kaso at pagiging legal counsel sa mga pagdinig ng kanyang mga kliyente sa kabila ng wala umano itong lisensiya mula sa Bar.

Sa imbestigasyon ng NBI –Field Operations Division (FOD), noong Martes, nakipag-ugnayan ang programang XXX ng ABS-CBN sa kanilang tanggapan para sa gagawing aksiyon laban sa nasabing suspek.

Natuklasan na si Arevalo ay tumatayong abogado sa maraming kaso kahit wala itong awtorisasyon o lisensiya mula sa Korte Suprema  bilang abugado .

Matapos ang beripikasyon sa Office of the Bar Con­fidant  ng SC, natuklasang wala ang pangalan ni Arevalo sa Philippine Bar kaya isinagawa ang plano ng pag-aresto.

Nakipag-ugnayan din ang NBI noong Mayo 13, sa Metropolitan Trial Court (METC) Branch 47, sa Pasay City, dakong alas-8 ng umaga kung saan dumadalo ng hearing si Arevalo.

Matapos ang pagdinig sa sala ni Presiding Judge Josephine Vito Cruz, agad nang dinakip ang suspek dahil wala itong maipakitang IBP card o anumang doku­mentong magpa­patunay na siya ay abugado maliban sa mga business cards niya na nagtataglay ng “Dionisio Arevalo, attorney at law” na narekober sa kanya. (Ludy Bermudo)

AREVALO

CRUZ AREVALO

CUPANG ST.

DEPUTY DIRECTOR

DIONISIO AREVALO

FIELD OPERATIONS DIVISION

INTELLIGENCE SERVICES

KORTE SUPREMA

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with