^

Metro

Obrero hulog sa ginagawang gusali, pisak

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang 20-anyos na cons­­truction worker ang nasawi matapos na ma­hulog sa 25 ta­lam­pakang taas ng pini­pin­tahan nitong gusali sa lungsod Quezon, ayon sa ulat ng pu­lisya kahapon.

Nagtamo ng labis na pin­sala sa ulo na siyang ikina­sawi ng biktimang si Ace Arnold Senita, binata at resi­dente sa Package 2, Block 26, Lot 14, Bagong Silang Ca­loocan City.

Sa ulat ni PO3 Joseph Madrid, imbestigador, nang­­yari ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon sa may covered court ng construction site sa Grace Christian Col­lege na mata­tagpuan sa Brgy. Apolonio Samson sa lungsod.

Nauna rito, nakatayo umano sa hamba ang bik­tima kasama ang ka­trabahong nakilala sa alyas July sa tuk­tok ng pinipin­tahang gusali nang mawala sa linya ang scaffolding na tinatapakan ng mga ito. Dahil dito, nawalan ng balanse ang dalawa hang­gang sa tuluyang bumigay ang inaapakan nila at tulu­yang bumulusok ang mga ito paibaba.

Sinasabing nagawa na­mang makapaglambitin ni July sa tali kung kaya naka­ligtas ito mula sa pagkaka­bagsak subalit ang biktima, bagama’t nagawa ring maka­hawak sa hamba ay nagtuluy-tuloy naman pa­ibaba kung kaya tuluyang humampas ang katawan nito sa semento.

Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng grabeng pinsala ang ulo ng biktima na nagawa pang maisugod sa Manila Central University Hospital ngu­nit idinek­lara ring patay makalipas ng ilang oras.

ACE ARNOLD SENITA

APOLONIO SAMSON

BAGONG SILANG CA

BRGY

DAHIL

GRACE CHRISTIAN COL

ISANG

JOSEPH MADRID

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with