^

Metro

Fetus iniwan sa baggers counter ng drug store

-

MANILA, Philippines – Isang pitong-buwang gulang na lalaking fetus ang natuklasan ng security guard sa baggers counter ng isang drug store ilang oras matapos iwan ng isang hindi nakikilalang ginang sa lungsod Quezon kamakalawa.

Ayon sa ulat ang fetus ay natuklasan ng secu­rity guard na si Ferdinand Velasquez makaraang mapuna ang nag-iisang kahon na nakalagay sa hilera ng counter ng Mercury drug na matatag­puan sa Aurora Blvd. corner Pinatubo, Cubao sa lungsod ganap na alas-11 ng gabi.

Bago ang insidente, isang ginang umano na nagkunwaring kostumer ang sinasabing nag-iwan ng kahon sa baggers counter. Ilang beses umanong nakitang pabalik-balik ang ginang sa nasabing tindahan hanggang sa magpasya itong umalis na hindi kinuha ang iniwan nitong kahon.

Makalipas ang ilang oras, napuna ni Velas­quez ang naiwang kahon dahilan upang kanya itong siyasatin hanggang sa bumulaga ang nasabing fetus. Sa kasalukuyan ang fetus ay nasa panganga­laga ngayon ng homicide section ng Camp Kari­ngal para sa kaukulang imbestigasyon. (Ricky Tulipat)


vuukle comment

AURORA BLVD

AYON

CAMP KARI

CUBAO

FERDINAND VELASQUEZ

ILANG

ISANG

MAKALIPAS

PINATUBO

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with