Masaker sa Makati: Koreano, 2 pa todas

MANILA, Philippines – Tatlo katao ang nasawi ka­bilang ang isang Korean na­tional, habang dalawa pa ang nasa malubhang kalagayan sa naganap na masaker kahapon ng tanghali sa establisim­ yen­tong pag-aari ng dayuhan sa Makati City.

Matapos pagbabarilin, pag­sasaksakin at paglalaslasin ang leeg ng apat na hindi pa naki­kilalang salarin na pumasok sa establisimientong pag-aari ng dayuhan kahapon ng umaga sa Makati City.

Natuklasan ang naganap na panloloob at pamamaslang da­kong alas-10 ng umaga nang ma­kagapang palabas ng KP Net­work System Corp. na nasa #4501 Senian St., Brgy. Pobla­cion, ang sugatang techni­cian na nakilalang si Arthur Dakles, 30, at humingi ng saklolo sa mga construction worker sa ka­tabing ginagawang gusali sa nasabing lungsod.

Mabilis namang naipagbi­gay-alam sa pulisya na rumes­ponde sa lugar kung saan na­tuk­lasan ang bangkay ng mga biktimang sina Alex Kho, Ko­rean national na nagmamay-ari ng naturang establisim­yentong pagawaan ng com­puter, ang kanyang sekretar­yang si Karl Ehren Gatus at ang 60-anyos na kusinerang si Nory Nazarito pawang   laslas ang mga leeg, tadtad ng saksak sa katawan at tama ng bala ng kalibre .45 baril.

Bukod sa mga biktima na nagtamo din ng mga saksak at laslas ang mga leeg ang da­lawang technician na nakilalang si Glenn Pedlugan, 28, at si Dakles na kapwa nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Makati kung saan sila isinugod.

Batay sa imbestigasyon   ng Makati City Police maaaring su­ma­lisi ang mga salarin kahapon ng umaga papasok sa loob nang lumabas ng establisim­yento ang ka-live-in ni Ko na nakilalang si Veneliza Rodin, 26, dakong alas-8 ng umaga.

Bago nangyari ang insi­dente, ayon kay Rodin may nag-text umano kay Kho at tinatanong ang eksaktong lugar ng pagawaan niya ng computer. Ipinasagot naman ni Kho kay Rodin ang nag-text sa kanya na sinabi nito na ibigay ang eksak­tong address sa kanilang lugar.

Malaki naman ang hinala ng pulisya na personal na galit ang motibo ng mga salarin dahil walang tinangay na salapi o gamit sa naturang establisim­yento ang mga suspect.

Nakarekober ng dalawang slug ng cal. 45 sa pinangyarihan ng insidente. Kaugnay nito inim­bitahan naman ng mga awto­ridad si Rodin sa kanilang pre­sinto upang magbigay ng salay­say hinggil sa naganap na krimen. (Rose Tamayo-Tesoro)


Show comments