^

Metro

11 chokepoints itinatag vs kidnap for ransom syndicates

-

MANILA, Philippines - Upang mapalakas pa ang kampanya laban sa kidnap for ransom, 11 chokepoints ang ini­latag ng pinagsanib na ele­mento ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Police Anti Crime Emergency Response (PACER) sa mga entry points sa Metro Manila.

Sinabi ni NCRPO Chief P/Director Roberto “Boysie “ Rosales, ang nasabing mga chokepoints ay inilatag nila sa mga hangganan ng Bulacan, Cavite at Rizal upang masa­wata ang insidente ng kidnap for ransom sa Metro Manila.

Ayon kay Rosales, ang mga chokepoints ay panganga­siwaan ng mga police personnel mula sa Special Action Force (SAF), Regional Mobile Group (RMG) katulong ang mga operatiba ng PACER.

Lumilitaw naman sa record ng NCRPO at PACER na kara­niwang target ng mga organisa­dong kidnapping syndicate ay mayayamang Filipino Chinese at mga negosyante.

Binigyang diin ni Rosales na ang pagmomobilisa ng 11 choke­points sa mga hangganan ng Bulacan sa Region 3 , Cavite at Rizal sa Region IV-A ay bilang pagtalima ng NCRPO sa direk­tiba ni Pangulong Gloria Ma­ca­ pagal Arroyo na tutukan at lan­sagin na ang mga organi­sadong kidnap for ransom syndicates na nag-ooperate sa Metro Manila.

Nabatid na sa katatapos lamang na anti-kidnapping for ransom workshop na ginanap sa headquarters ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City, hinikayat ni PACER Chief Sr. Supt. Leonardo Espina ang mga police commanders na tumulong sa pagsawata sa kidnapping sa lugar na kanilang mga hurisdiksyon.

Ipinunto ni Espina na anu­mang kaso ng kidnapping na isi­nagawa ng mga organisa­dong sindikatong kriminal na humi­hingi ng ransom kapalit ng kala­yaan ng mga biktima ay awto­matikong hahawakan ng PACER, habang ang iba pang kaso ng kidnapping tulad ng mga dayu­han ang biktima ay ipa­uubaya naman sa mga territorial units ng PNP. (Joy Cantos)

BULACAN

CAMP BAGONG DIWA

CAVITE

CHIEF P

CHIEF SR. SUPT

DIRECTOR ROBERTO

FILIPINO CHINESE

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with