Ba­rangay chairman hulog mula 4th floor ng condo, lasog

MANILA, Philippines – Patay ang isang ba­rangay chairman ng Panga­sinan makaraang mahulog ito mula sa ika-apat na palapag ng kan­yang tinutuluyang condo­minium, kamakalawa ng tanghali sa Makati City.

Basag ang bungo at nag­kalasug-lasog ang katawan ng biktimang si Nelson Ramos, 31, ba­rangay chairman ng San Miguel, Calasiao, Panga­sinan at pansamantalang naninirahan sa Alicia Con­dominium na matatagpuan sa #4967 Arnaiz St. Brgy. Pio del Pilar, nabanggit na lungsod. Namatay ang biktima ilang oras habang ginagamot sa Acute Care Center Unit (ACCU) bunga ng tinamong pinsala sa ulo at katawan nito.

Batay sa ulat na naka­rating sa Makati City Po­lice-Station Investiga­tion and Detective Ma­nage­ment Branch, dakong alas-11:45 ng tanghali nang maganap ang insidente.

Nagulat na lamang umano ang ilang naninira­han sa unang palapag ng condominium nang maka­rinig ng malakas na ka­labog kung saan agad na naglabasan ang mga ito sa gusali at doon nakita ang duguang biktima na una ulong bumagsak sa se­men­tadong flooring.

Isang masusing imbes­ti­gasyon naman ang kasa­lukuyang isinasagawa ng pulisya upang alamin kung sadyang nagpakamatay ang biktima o inihulog ito sa nasabing gusali dahilan upang masawi ito. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments