Pasig ambush: Lady executive utas

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang ba­baeng manager ng isang in­formation technology com­pany makaraang ba­ rilin ng riding-in-tandem ka­­hapon ng umaga sa Pasig City.

Idineklarang dead-on-arrival sa The Medical City ang biktimang nakilalang si Liberty Liwanag, 40, sales manager ng AXUS Interna­tional Inc., at residente ng Millenium Garden, Jenny’s Avenue, Brgy. Rosario ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Pasig City police, naganap ang pananambang dakong alas-10:50 ng umaga sa may Julia Vargas Avenue, Brgy. San Antonio. Nabatid na sakay ang biktima ng kan­yang Toyota Rav4 (XPE-377) at patungo sa kan­yang opisina sa ika-29 na palapag ng Antel Global Corporate Center sa Orti­gas Center, Pasig nang tam­bangan ng mga salarin.

Nabatid na sunud-sunod na pinagbabaril ng gunman ang biktima ha­bang umaandar pa ang kotse nito kung saan tina­maan ito sa balikat at ta­giliran ng katawan na tu­ma­gos sa dibdib nito. Ma­bilis na tumakas ang mga salarin sakay ng isang motorsiklo sa hindi ma­batid na direksyon.

Agad namang rumes­ponde ang “rescue team” ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at isinugod sa pagamutan ang biktima kung saan binasag pa ang bintana ng kotse upang makuha ang huli.

Habang isinusulat ito, blangko ang mga awto­ridad sa pagkakakilanlan ng mga salarin dahil sa hin­di na­aninag ng mga naka­saksi ang mga suspek at blangko pa rin sa motibo ng natu­rang krimen. Hini­hinala naman ng pulisya na pla­nado ang naturang krimen na maaaring ipina­upa sa mga bayarang hitman.

Show comments