98 grumadweyt sa ABAKADAmayan
MANILA, Philippines - Idinaos nitong nakaraang Biyernes ang ikaanim na graduation ceremony ng ABAKADAmayan, isang education project ng Operation Damayan ng Star Group of Publication na tumutulong sa mahihirap na mga kabataan na makapagtapos sa high school.
Sa taong ito, may 98 estudyante na nakapasa sa Accreditation and equivalency Test ng Department of Education ang nagsipagtapos sa ABAKADAmayan.
Panauhing tagapagsalita sa graduation ceremony si Dr. Carolina Guerrero, director ng Bureau of Alternative Learning System ng DePed.
Nakakuha ng first honor sa taon ding ito si Dionisio Aclo na nagtamo ng score na 123; Second honor si Rosemarie Tolentino na merong score na 120 at third honor si Aurora Andres, 115 score. Pinagkalooban ng medalya at isang gift pack mula sa Star ang mga honor student. Bawat graduate naman ay nakatanggap ng P500 cash gift mula kay Miguel Belmonte, president at CEO ng Star Group of Publication. Bukod pa rito ang kanilang 8” x 10” framed graduation photo.
Sa kanyang valedictory speech, sinabi ni Aclo na “laging may puwang ang pag-unlad, gaano ka man katanda.”
Habang tumatagal, dumarami ang sumasali at nagtatapos ng high school sa tulong ng ABAKADAmayan.
Meron lang itong tatlong graduate noong 2004; dalawa noong 2005; naging siyam noong 2006; 14 noong 2007; 21 noong 2008; at hanggang umabot sa 98 ngayong taong ito.
- Latest
- Trending