Kelot sinumpak ng pinsan ng ka-live-in, dedo
MANILA, Philippines - Nasawi ang isang lalaki habang sugatan ang ka-live-in nito matapos sumpakin ng pinsan ng huli sa Caloocan City kahapon ng umaga.
Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala ng sumpak sa dibdib si Salvador Niebres, 34, ng Brgy. 171, Bagumbong ng lungsod.
Ginagamot naman sa Jose Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng tama ng bala sa kanang binti si Leny Salome, 40, ka-live-in ng nasawi.
Pinaghahanap naman ng mga pulis si Isidro Soriben na kapitbahay ng mga biktima.
Sa ulat, alas-6 ng umaga nang puntahan ng suspek ang bahay ng mga biktima at nang makita si Niebres ay agad itong pinaputukan.
Tinangka namang awatin ni Salome ang kanyang pinsan subalit pinutukan din ito bago tumakas kung saan dinala ang una sa nabanggit na ospital.
Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa isinagawang krimen. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending