Killer ng tindera timbog

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nalutas na ang brutal na pagpatay at pagnanakaw sa isang tindera matapos maaresto ang dray­ber na pinaniwalaang respon­sable sa nasabing krimen sa Quezon City.

Kinilala ng pulisya ang na­dakip na si Chester Abello, 28, ng Arellano St. Cainta, Ma­labon City. Ayon kay PO3 Joel Gaga­za, ng CIDU ng Quezon City Police, si Abello ang itinu­turo ng mga pangu­nahing tes­tigo na huling nakita sa lugar ilang oras matapos na ma­tag­puang duguan at wa­lang bu­hay na nakahandusay ang bikti­­mang si Robilen Pongcol, 21, stay-in sa bahay ng kan­yang amo sa Malabon City sa loob ng binabantayan nitong tinda­han noong April 27, 2009.

Ayon pa kay Gagaza, mula umano nang una nilang ma­kita ang suspek ay pinaghi­nalaan na nila ito dahil sa na­kitang “ligature marks” sa kan­yang mga kamao. Bukod pa rito ay naramdaman nilang kina­kabahan ang suspek at pi­nagpapawisan matapos ta­nungin sa naturang insidente.

Ganap na alas-6:30 ng umaga ng Abril 27, nang ma­tagpuan ang bangkay ni Pong­col sa Arny Dading pichi-pichi store, ilang oras matapos na ihatid umano ito ni Abello dito mula sa bahay ng ka­ni­lang amo. Sinabi ng ilang tes­tigo, ban­dang alas-5 ng ma­da­ling-araw ay nakarinig sila ng mga kalabog sa nasabing tindahan at ilang sandali pa ay nakita nilang naglalakad ang na­sabing suspek.

Dagdag pa ni Gagaza, na­ging matibay ang testi­monya ng mga testigo na nag­papa­tunay na nakita ang suspek kung kaya agad nilang isina­gawa ang agarang pag-aresto dito. Matatandaang bukod sa pagpatay kay Pongcol ay tina­ngay pa ang kinita ng tinda­han na aabot sa P14,000.

Sasampahan na ng ka­song robbery with homicide ng mga awtoridad ang nasa­bing suspek. (Angie dela Cruz)

Show comments