^

Metro

Dating guro timbog sa panggagantso

-

MANILA, Philippines - Naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang entrapment operation sa Maynila ang isang dating guro na umano’y nanloko ng milyong pisong halaga sa kanyang mga kapwa guro.

Kinilala ni NBI Director lawyer Nestor M. Mantaring ang suspek na si Marites Francisco, ng Paez St., Concepcion, Malabon City na na­aresto matapos na ireklamo ng kasamahan niyang si Reynaldo Corvero na teacher sa Malabon National High School.

Lumalabas sa imbestigasyon, na noong 2005 ay hinikayat ng suspek ang biktima at ang iba pang guro na mag-invest sa pagbe­benta ng   gift certificates ng isang dept. store sa mas mababang halaga at may sampung porsiyento umano silang kikitain kada buwan na makukulekta nila tuwing ika-15 at ika-30 araw ng buwan.

Inamin naman ni Corvero na mula Dis­yembre 2005 hanggang Abril, 2007 ay nakatu­tupad naman sa kanyang obligasyon sa mga investor si Francisco na nagpakilalang konek­tado sa department store.

Subalit nang mga sumunod na buwan ay huminto na sa pagbabayad si Francisco dahil wala na raw siyang pera hanggang noong November, 2007 tumigil na ito sa pagtuturo at mula noon ay hindi na nagpakita sa nabanggit na paaralan.

Nabatid na umaabot sa 2 milyong piso ang natangay ng suspek kay Corvera at 11 pang biktima na namuhunan ng mula P5,000 hanggang P995,000.

Dito rin natuklasan na hindi konektado sa shopping center na kinukunan nito ng gift certi­ficate ang suspek base sa certification na pinadala nito sa NBI. (Gemma Amargo-Garcia)

ABRIL

GEMMA AMARGO-GARCIA

MALABON CITY

MALABON NATIONAL HIGH SCHOOL

MARITES FRANCISCO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NESTOR M

PAEZ ST.

REYNALDO CORVERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with