^

Metro

Salvage victim nabingwit sa Pasig River

-

MANILA, Philippines - Isang hindi pa nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuang lumulutang sa ilog Pasig, kahapon ng umaga sa Ermita, Maynila.

Inilarawan ang biktima na nasa edad na 45 hanggang 48, may taas na 5’4’’-5’5’’, katamtaman ang laki ng katawan, naka­suot ng jersey na may tatak na Bom Bluez, may tattoo na ahas na may kasamang bulaklak sa kanang dibdib nito at walang saplot pang ibaba.

Sa imbestigasyon ni Det. Paul Dennis Javier ng Manila Police District Homicide Section, dakong alas-11:20 ng umaga ng madiskubre ang bangkay ng biktima na lumulutang sa ilog Pasig sa ilalim ng Ayala Bridge, Ermita, Maynila.

Kasalukuyang nagsasagawa ng roving inspection ang grupo ng Philippine Coast Guard (PCG) sa naturang lugar na pinangyarihan ng mapansin nila ang biktima na lumulutang at wala ng buhay. Isa sa mga miyembro ng PCG ang bumingwit sa katawan ng biktima at iniahon pansamantala sa likod ng gusali ng MWSS Compound sa Arroceros St., Ermita.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagtamo ng mga pasa sa mukha ang biktima at nakatali ang magkabilang kamay nito. Hinala ng pulisya na pinahirapan muna ito bago tuluyang itinapon sa naturang ilog. (Gemma Amargo-Garcia)

ARROCEROS ST.

AYALA BRIDGE

BOM BLUEZ

ERMITA

GEMMA AMARGO-GARCIA

MANILA POLICE DISTRICT HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PASIG

PAUL DENNIS JAVIER

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with