^

Metro

Lozada balik sa La Salle

-

MANILA, Philippines - Pinayagan na ng Medical Center Manila na ma­kalabas ng pagamutan ni NBN-ZTE deal star witness Rodolfo Noel Lozada Jr., kahapon ng umaga at dumiretso ito sa La Salle Greenhills, sa Mandalu­yong upang doon magpa­hinga. Hindi umano dinala sa Se­nado si Lozada dahil walang opisina doon ka­pag Biyernes kaya nag­pasya na  sa Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) na ituloy ang payo ng doctor na complete bed rest, ani Sister Mary John Manzan.

Hihintayin pa umano ang mga resulta ng pag­susuri kay Lozada kabilang ang ultrasound sa puso at iba pang laboratory tests. Sa kasalukuyan ay kasama na ni Lozada ang ka­niyang pamilya na na­iwan sa loob ng 10 araw na pagkaka­ detine sa Manila Police District (MPD) matapos ares­tuhin sa kasong perjury na inihain ni dating presidential management staff chief Mike Defensor. Kamaka­lawa ay pina­boran naman ni Manila Metropolitan Trial Court Branch 26 Judge Jorge Em­manuel Lorredo ang mosyon ng Senado sa Recognizance kay Lozada sa halip na ikulong sa Manila City jail. (Ludy Bermudo)

ASSOCIATION OF MAJOR RELIGIOUS SUPERIORS

JUDGE JORGE EM

LA SALLE GREENHILLS

LOZADA

LUDY BERMUDO

MANILA CITY

MANILA METROPOLITAN TRIAL COURT BRANCH

MANILA POLICE DISTRICT

MEDICAL CENTER MANILA

MIKE DEFENSOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with