^

Metro

Pedestrian niratrat ng trader, patay

- Rose Tamayo-Tesoro -

MANILA, Philippines - Patay ang isang pedestrian makaraang pa­ulanan ito ng bala ng isang negosyante dahil lamang sa pagtawid ng una sa daan ng tinatahak rin ng sasakyan ng huli, kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.

Agad na nasawi sa mismong pinangyarihan ng insidente ang bikti­mang si Gilbert Lopera, 31, ng Purok 1, Sucat, ng nabanggit na lungsod bunga ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Ang suspect naman na kinilalang si Lawrence Cruz, 35, rice dealer ng Bambang St., Taguig City ay agad namang na­aresto ng mga rumes­pondeng operatiba ng Muntinlupa City Police habang ito ay papatakas sa Yakal St., Severina Compound ng Taguig City.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pu­lisya, pasado alas-7 ng umaga nang mangyari ang naturang insidente sa kahabaan ng M.L. Quezon St., Purok 2, Sucat, Muntinlupa City.

Nabatid na unang na­irita ang suspect sa tuma­tawid na biktima sa kal­sada sa gitna ng pag­sisikip ng trapiko sa na­sabing lugar kung saan sunod-sunod na busina ang pinakawalan ng una para tumabi ang huli.

Ang naturang insi­dente ay nauwi pa sa pagmumura ng suspect na noon ay sakay ng isang close van ( RGJ-857) kasama ang apat pa nitong kaibigan. Na­uwi pa ito sa pagtatalo hanggang sa bumunot ng baril ang suspect at walang habas na pinag­babaril ang bik­tima da­hilan upang agad itong masawi.

Nabawi naman ng pulisya sa loob ng sasak­yan ng suspect ang isang .45 kalibre ng baril na naglalaman ng 8-bala at isa pang 9-mm na baril na naglalaman naman ng 12-bala.

Samantala, mabilis namang nakatakas ang apat na kasamahan ng suspect ay pinaghahanp pa ng pulisya.

BAMBANG ST.

GILBERT LOPERA

LAWRENCE CRUZ

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

PUROK

QUEZON ST.

SHY

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with