^

Metro

Mister patay sa sagasa

-

MANILA, Philippines – Patay agad ang isang mis­ter makaraang mabasag ang bungo nito matapos na tumi­lapon nang mahagip ng isang ruma­ragasang kotse, kaha­pon ng madaling-araw sa Las Piñas City. Nakilala ang biktima na si Rey-An Lopez, 23, ng Green Valley, San Nicolas III, Bacoor, Cavite bunga ng ma­tinding pinsala sa ulo at kata­wan nang tumilapon ito ng tatlong metro ang layo.

Agad namang sumuko sa pulisya si Lawrence Jalandoni Ramirez at driver ng Honda Civic (USF-339) na naka-bundol sa biktima. Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:15 ng mada­ling-araw nang mangyari ang insidente sa panulukan ng San Gregorio at Chesa St., Las Piñas City.

Dahil umano sa sobrang lakas ng ulan at malabo ang bi­sinidad ng lansangan ay hindi napansin ng suspect ang biglang pagtawid ng biktima kung kaya’t huli na nang matapakan nita ang preno ng sasakyan dahilan upang ma­tumbok nito ang huli. Luma­labas naman sa medico legal examination na nasa implu­wensiya ng alak ang suspect habang nagma­maneho na posibleng maka­dagdag sa bigat ng kasong isasampa laban sa kanya. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

CHESA ST.

GREEN VALLEY

HONDA CIVIC

LAS PI

LAWRENCE JALANDONI RAMIREZ

REY-AN LOPEZ

ROSE TAMAYO-TESORO

SAN GREGORIO

SAN NICOLAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with