^

Metro

Kelot todas sa tiyo ng ka-live-in

-

MANILA, Philippines – Tinarakan sa dibdib ang isang 22-anyos na lalaki na ikina­sawi nito matapos ma­kulitan ang kaanak ng kan­yang  live-in partner sa pang­gugulo at pambabato nito, kamakalawa ng gabi, sa Tondo, Maynila.

Naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) subalit na­matay din ang biktimang si Daryl Aquino, ng Esguerra St.,Tondo, Maynila. Agad namang sumuko sa Manila Police District-Station 1 (Her­bosa Police Station) ang sus­pek na si Ricardo de Gala, 52,   driver, ng Herbosa St., Tondo.

Sa ulat ni SPO1 Edgardo Ko, MPD-Homicide Section, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa isang eskinita sa tapat ng bahay ng suspek.

Bago ang pananaksak, nagtungo ang biktima sa bahay ng magulang ng live-in partner nitong si Pearly Ann, 15 at nag­sisigaw  na mistula uma­nong may pinagseselo­san subalit hindi umano pi­nan­sin ng huli at hindi hinarap. Lalo umanong nagalit ang lasing na biktima  kaya pinag­babato ang bahay.

Sa takot ng mga magulang ng babae ay nagpasaklolo ito sa barangay sa lugar at sa kalapit na police station kaya napahinto ang biktima.

Subalit ilang minuto la­mang ay muling bumalik si Aquino at muling pinagbabato ang nasabing bahay na dinat­nan ng pagod na suspek, tiyu­hin ni  Pearly Ann na galing sa pagma­maneho.

Sinaway ng suspek ang bik­tima subalit maging ang suspek ay nakasagutan nito hang­gang sa nagkahabulan pa umano ang dalawa at na­kita na lamang ng mga resi­dente na nakabu­lagta ang bik­timang may saksak sa dibdib. Matapos ito’y sumuko naman ang salarin. (Ludy Bermudo)


DARYL AQUINO

EDGARDO KO

ESGUERRA ST.

HERBOSA ST.

HOMICIDE SECTION

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LUDY BERMUDO

PEARLY ANN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with